AWA

Bulag, Pipi At Bingi

Track byAegis

18
0
  • 2012.05.30
  • 3:54
AWAで聴く

歌詞

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan CHORUS 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman [Repeat CHORUS] AD LIB Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo [Repeat CHORUS] 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal

このページをシェア

Aegisの人気曲

Aegis
の他の曲も聴いてみよう
AWAで他の曲を聴く
はじめての方限定
1か月無料トライアル実施中!
登録なしですぐに聴ける
アプリでもっと快適に音楽を楽しもう
ダウンロード
フル再生
時間制限なし