Butanding, butanding Pinakamalaking Isda sa mundo Nakita ko Sa Bikol, sa Donsol, ako ay nagpunta Pagbaba ng bus, lumipat sa bangka Pagdating sa laot, sa laot tumalon At doon ko siya unang nakita Muntik kong maapakan higanteng nagdaan Malapad pa ang ulo sa bangka Walong puno ng N'yog ang kanyang kabilugan At ang haba niya ay anim na dipa Butanding, butanding Pinakamalaking Isda sa mundo Nakita ko Malaki sa akin Malaki pa sa iyo Sana minsa'y Makita mo Sa lawak ng bibig nito ako ay kasyang-kasya Buti at katas ng dagat lang ang kinakain niya Maliliit na hayop ang kanyang sinasala Kaya pala laging nakanganga Kung ako si butanding, ayokong lunukin Mga goma, bubog, plastik at lata Katas mula sa mina at tambak ng panapon Ayokong lunukin, ayokong malason Butanding, butanding Pinakamalaking Isda sa mundo Nakita ko Malaki sa akin Malaki pa sa iyo Sana minsa'y Makita mo Paalam butanding Hanggang sa muling pagtatagpo Ingat kayo Paguwi sa amin Ay ipagmamalaking Nagkatagpo tayo