Magpapalunod ba sa dilim O titingin sa mga bituin Tutulugan ang gabi O ito'y aangkinin Ipapabukas ko na lang ba ulit Siya na lang bang magdidikta Ng aking pulso at paghinga 'Di alam ang gagawin Gulo ba'y haharapin Tatakbo o dapat bang tiisin Dahan-dahang kumawala Sa kapit na dinadala 'Di na magpapaakit pa Sa kapit ng 'yong mata Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo Naaarawan na ang sakit Umagang tila nanlalambing Ako'y babangon na muli Nang hindi nakapikit Tumatamis na ang lahat ng pait Dahan-dahang kumawala Sa kapit na dinadala 'Di na magpapaakit pa Sa kapit ng iyong mata Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo Oh, oh, oh Oh, oh, oh 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo Mga silid sa bahay ng ating damdamin 'Di na muling papatinag sa dilim Lalakasan ang himig ng mga salamin Palayain mga sigaw sa dingding Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo Oh, oh, oh Oh, oh, oh 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo