AWA

Katarungan

54
0
  • 2012.02.01
  • 3:50
AWAで聴く

歌詞

Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan 'Di ba't ang batas natin pantay-pantay, walang mahirap, mayaman Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan Mga ilang araw na lang haharapin na n'ya ang bitayan Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan Tanging ang Diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan Dumating na ang araw, haharapin na n'ya kanyang kamatayan Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang O, ang batas ng tao kung minsan ay 'di mo maintindihan Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan

このページをシェア

Freddie Aguilarの人気曲

Freddie Aguilarのアルバム

10曲2023年
18曲2015年
16曲2013年
16曲2013年
10曲1994年
10曲1993年
Freddie Aguilar
の他の曲も聴いてみよう
AWAで他の曲を聴く
はじめての方限定
1か月無料トライアル実施中!
登録なしですぐに聴ける
アプリでもっと快適に音楽を楽しもう
ダウンロード
フル再生
時間制限なし