AWA

Anak

640
6
  • 3:56
AWAで聴く

歌詞

Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo'y Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo Ngayon nga ay malaki ka na Nais mo'y maging malaya Di man sila payag Walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo Di mo man lang inisip na Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo Pagkat ang nais mo'y Masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan" At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali

このページをシェア

Freddie Aguilarの人気曲

Freddie Aguilarのアルバム

10曲2023年
18曲2015年
16曲2013年
16曲2013年
10曲1994年
10曲1993年

この曲を含むプレイリスト

Freddie Aguilar
の他の曲も聴いてみよう
AWAで他の曲を聴く
はじめての方限定
1か月無料トライアル実施中!
登録なしですぐに聴ける
アプリでもっと快適に音楽を楽しもう
ダウンロード
フル再生
時間制限なし